Noon halos magtiklop-tuhod ako sa paghanga At inaasam na ang pag-ibig mo'y makuha Tila ang isang tulad mo'y napakailap Ang ibigin mo'y isang pangarap
Hanggang sa ikaw'y dumating At ako'y iyong natutunang mahalin Ngunit sa paglipas ng panahon Puro bangayan at galit ang sa aki'y itinuon
Ikaw'y nilapitan at tinanong kung bakit Ngunit pagkibit ng balikat ang aking nakamit Walang gatol na ikaw'y sumagot Sinabing ako'y iyo nang nalimot
Biglang nahinto at di alam ang gagawin Ito'y napakasakit sa damdamin Mga mata'y nagtatanong at masinsinang nag-uusap Bakit ganon, mawawala ang lahat sa isang iglap?