Sa mata nila, ako'y walang saysay Sa mata nila, ako'y walang boses Sa mata nila, ako'y walang karapatan Sa mata nila, ako'y isang pagmamay-ari
Hanggang kailan ko tatamuhin ang ganitong katayuan Ang pakiramdam na para bang wala akong kahalagahan Dahil sa ako'y mahina, maamo't inosente ay wari bang inaangkin n'yo na ang katauhan ko?
At sa hindi inaasahang pagkakataon itinaas Mo ang mga gaya namin at sinabing sa amin naghahari ang Diyos, lumundag ang puso ko sa tuwa
Pinatayo mo kami sa kagitnaan ng mga mas may dunong at kapangyarihan Ang pagkilala mo at pag-ibig mo sa bawat isa Lalong lalo na sa mababang gaya namin ay tunay naming 'di maarok
Sa pamamagitan namin, binasag mo ang tradisyong nagpapaalipin at inimulat kami sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan at nang tunay na kahulugan ng kaharian ng Diyos sa iyong halimbawa at aral, maraming nagulantang..
Hinayaan mo kaming lumapit sa Iyo At ikinintal ang iyong iniwika Na ang sinumang 'di tumulad sa isang maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.