Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2019
Sadya yatang napakahirap
Ang kayo'y aking lapitan
Tila ang pagsasamaha'y
Mauuwi sa pangarap at di pagkakaunawaan

Barkada na nabuo sa isang samahan
Inalay na dugo't pawis ang siyang naging puhunan
Ang samaha'y nabansagan
Parang magkabayan kapag nagtulungan

Sana ang mga mali ay mairebisa
Nang ang barkada'y di mawala
Mawala sa isang iglap
Na parang ang lahat ay isang pangarap
Written by
MarieDee
  1.4k
   Gamaliel
Please log in to view and add comments on poems