sinabi mo sa akin, habang hawak ang kamay ko, na “nandito lang ako.” humawak ako nang mahigpit at naniwala ako.
sinabi mo sa akin habang ako’y yakap mo na di ka bibitaw na kahit kailan maasahan ko ang pagbalot ng iyong mga kamay sa aking katawan yung tipong lahat ng lamig sa mundo mga problemang di ko ginusto mawawala na lang sa init ng katawan mo. oo, naniwala ako.
sinabi mo sa akin na ako lang na hinding hindi ka titingin sa iba sa parehong paraan ng pagtingin mo sa akin at naniwala ako.
at naniwala ako.
naniwala ako at ipinangako ko sa sarili ko na simula nang sinabi mo na mahal mo ako wala nang mas gaganda pa sa paningin ko kung hindi ang mukha mo.
ang mukha **** sa ngiti palang na naniwala akong pwede palang maging masaya sa mata palang na naniwala akong nakita na kita — nahanap ko na. sa bawat pisngi **** naniwala akong may paglalagyan pala ng mga labi kong uhaw sa halik.
naniwala ako sa lahat.
naniwala ako sayo.
may mga oras din namang nagduda ako. sa bawat away sa mga masasamang salitang nabitawan sa kada luhang pumapatak sa ating mga mata sa mga di pagkakaintindihan sa mga muntik nating pagbitaw.
naniwala pa rin ako.
naniwala ako sayo.
pero di ko inakala na ang tiwala ay dahan dahan din palang nawawala.
isang kandilang ilang minuto na lang apoy nito mawawala.
kahit ilang beses kong sinabi sayo na ako’y di mawawala. na ako’y nandito lang wala ng iba. na ako’y naniwala sa iyong salita, sa iyong ganda, sa iyong lahat na.
kahit na tayo’y magkasama ang puso mo nasa iba na.
naniwala ako mahal mo ako. pero ako lang pala ang ganito.
sinabi mo sa akin tapos na tayo naniwala ako. na wala ako.
wala na ako sa puso mo.
i’ve stopped writing because I was afraid i cant finish a piece worth reading. i had so many unfinished work in my head that I never put into writing. last night, before I slept, this idea came to me and i immediately had to write the first pew phrases down so i could get back to it the next mornjng.
today, on a train ride going to work. i finished it.