Aaminin kong may kasalanan ako Subalit ako ba ay masisisi mo? Kung s'yang puro pagdududa ang puso Sa isang gaya **** parang ‘di seryoso
Totoo ba ang pagmamalasakit mo Dahil sa t'wing pagpatak ng alas otso 'Yong tatanungin kung nakauwi ba 'ko At kukumustahin din ang s'yang araw ko
Totoo ba ang iyong mga pangako Na 'kaw ay ang taong maaasahan ko Sa oras na nahihirapan na ako At 'di ko na kinakaya pang tumayo
Ngayong sa panahong ika'y kailangan Bakit abutin ka ay tila kay hirap? Wala na ang mga pangakong binitaw At akong nasa ere ay 'yong iniwan
Bakit ba ako laging namamalimos Kahit iyong lang katiting na atensyon Masyado yatang nakampante ang puso Na 'di ko namalayang ika'y naglaho
Wrote this after I ended my connection with someone I used to like. This is the last poem I created about him. I hope that he's already happy right now.