Anong oras na’t puno na naman ng puwang at kalungkutan? Mga saya na bigla na lamang naglaho sa kawalan.
Sa paglipas ng oras, tila ba’y nawawalan ako ng lakas at para bang gusto ko na lamang tumakas— tumakas sa rehas na aking dinaranas.
Tahanan — ang palatandaan ng aking katauhan. Dulot ng bigat ng kursong pinili sa kolehiyo, ako ngayo’y malayo sa palatandaan ng aking katauhan.
Nakakamiss.
Malayo sa palatandaan ng aking katauhan, katauhan na binabalot ng kalungkutan, at hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kawalan.
Paano nga ba ito?
Sa kabila ng nararamdaman, patuloy akong lalaban at patuloy na paniniwalaan na ang panghihinang nararanasan, ay pansamantala lamang.
patuloy kong tatandaan, na ang kawalan ay panandalian lamang, at ang palatandaan ng aking katauhan ay akin ding mahahawakan dahil bukas, higit kong pagsisikapan na aking pangarap ay makamtan.