Hindi ka bibiguin ng mga pakpak na ito Itawid mo man ang sarili sa dagat at mga ulap Hampasin man ng hangin at alon ang iyong mga bagwis Ay hindi ito bibitaw at hindi papalya
Dadalhin ka pa sa kataas-taasan Kung saan mas matatanaw ang asul na tubig At mga berdeng lupain
Kung saan ang init na binibigay ng sinag ng araw ay mas matindi Kung saan malaya ka