Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2018

Kinaya

Kinakaya

Kakayanin

Kinaya, sa kabila ng lahat
Ng pag-aalinlangan
Sa sariling paniniwala'y isang puwang

Kinakaya ang damdaming
Puno ng ligaya't
Luhang kumukulo sa saya

Kakayanin bang tanggapin
Na ang kumukulong tubig
Ay tutuyo rin?

Kaya. Kayang-kaya.
Kakainin lahat ng butil
Ng bigas at ng mapaklang kanin
Kaya walang alinlangang sasabihin
Kaya pa.






Kaya pa.
kaya nalang.
Ashari Ty
Written by
Ashari Ty  21/M/Philippines
(21/M/Philippines)   
243
 
Please log in to view and add comments on poems