Ang nilalaman nitong tula ay para sayo Gusto ko na maging masaya kayo Mahirap man para sa akin na tanggapin Pero susubukan ko na kayanin
Andyan naman sila para tulungan ako Hayaan mo at kakayanin ko Hindi man ngayon Pero baka sa darating na mga hapon
Sana maging masaya kayo Para hindi ka na mahirapang tumayo Kasi andyan na sya para buhatin ka At sa mga problema hayaan mo sya na maging iyong kasangga