“Tumakbo ka na”, sabi ng aking mga paa habang ika’y unti-unting lumalaho sa dilim at habang ika’y hinahabol ko palayo sa’kin hinahabol ko ang pagasa; hinahabol ko ang aking hininga
“Huminga ka muna”, sabi ng aking baga habang pumapatak ang mga malalamig na pawis nagbabakasakaling maabutan ang dama ng iyong yakap at makita ang makikintab **** mata
“Pagod na ‘ko”, sabi ng aking puso “Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo ba naipapansin na malayo na siya sa iyo?”, dugtong ng puso at labis pigilan ang ikot ng mundo
Patuloy ang lakbay at pilit ‘kong umabot sa piling mo ngunit kahit gaano kabilis ‘kong palakarin ang mga paa, ngunit kahit gaano man karaming ikot na ang naidaan ko at ilang patak ng pawis na ang tumulo, pilit pa ring binabaliktad ng mundo ang daan palayo sa iyo
At kung patuloy akong inililigaw ng buwan patungo sa liwanag at kung patuloy akong inililigaw ng liwanag patungo sa kadiliman palayo sa gulo, bakit nagkaron ng dulo?
At kung tinuturuan pa lang ako ng puso nang umibig ng tama, bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kalian pagod na ang tadhana? kailan ba sisikat ang araw at sa huli ng storya, tayo ang masaya?
Marami na ang nawala, mga sugat na ‘di tuluyang naghilom at mga tahi na nasira, mga damdamin na pinaraya at mga ngiting pinalaya
Aakitin rin tayo ng ligaya darating rin ang panahon na tayo ang maligaya ng wala sa piling at sa puso ng isa’t-isa
Pasensya ka na aking mahal ngunit hindi ko maitahan ang lumuluhang puso na napilitang pakawalan ang nakaraan – ang oras ang nakaharang – Pasensya ka na, hindi kita naabutan