Hindi ka ba nalulungkot diyan Sa kalawakang iyong kinalalagyan? Baka nais mo ng kasama minsan Nandito lang ako, nag-aabang Sabagay, sino nga ba naman ako Isang hamak na nilalang Na walang magawa kung hindi tingalain ang mga katulad mo Pero kahit ganoon sana pakinggan ng tadhana itong munting hiling ko...
Taong nasa buwan Pansinin mo naman ako kahit minsan... Hayaan **** tabihan kita diyan sa kawalan Yayakapin ka nang mahigpit Hindi bibitawan Kaya sana, taong nasa buwan Pansinin mo naman ako kahit minsan...