Nagkita tayo sa maling panahon Na hawak ang kamay mo sa maling pagkakataon At ang pagtayo mula sa ating pagkakaupo Ang tangi kong naalala ay ang likod mo
At ngayon..
Paano ko babalikan ang nakaraan Kung sa bawat pagtalikod ko'y syang pagbuhos ng ulan. Paano ko matatapos ang isang talata Kung sa bawat pagsulat ko'y syang pagbuhos ng luha.
Paano ko masasabing kaya ko na Paano ko malalamang tapos na