Tila – simbolo ng kawalang kasiguraduhan Tila bagyo ng pangamba’t agam-agam Tila di na sapat Pero tila 'di man matanaw sikat ng araw Laging tatandaan na ang tila Sa kabilang banda’y paghupa. Pagtila – sa gitna ng iyak ng langit Tila na puputol sa daluyong ng unos.
Kaya kung tila nangangamba Asahang titila rin, At darating pangibagong umaga