at muli kitang nasilayan, tumingin ng walang pakundangan walang makitang pagsisisi sa mga sulyap ng nakaraan pumikit at nagkunwaring hindi ako muling nawalan
at hindi, hindi ako nawalan ng kamay na makakapitan hindi isang kanlungan na una **** inalok noon sa ulan naaalala pa noong handang handa kitang awitan nawiwili ka sa himig ng aking kalungkutan
isang awit na sa akin ang una **** kinuha kasabay ng iyong pag-alis isang kulay sa espektrong makitid kasabay ng pagdiin sa mga naghihilom na sugat at ang pag-apak sa araw na pasikat sa guhit-tagpuan
sa lahat ng iyong tinangay sa paglisan maraming bubog ang iyong nakaligtaan mga patalim na ilang taon nang iniiwasan binigyan ng rason para limutin ang pag-asang kinapitan