Ika'y aking minahal Higit pa sa aking buhay Hininga't tibok ng puso'y ikaw Sinisigaw ng puso't isipan habang buhay
Biglang mundo ko'y nagbago Nang ako'y iyong biglang iniwan sa dulo Tumakbo ka ng palayo at ako'y natirang na katayo Sa mundong ating pinangarap at pinaghirapang mabuo
Ilang araw akong nagpakagago Para tuloyang makalimot sayong pangluluko Katahimikan at pighati aking naramdaman Kaya't ako ay naghihingalo sa dulo
Ika'y may ngiti sa mata Habang ako'y nakakadama ng kirot sinta Basag na puso aking palaging dala Gusto ko nang bumangon at makahanap ng iba
Magmamahal ng taong makakasama Mula umpisa hanggang dulo sinta Kaya't maghihintay sa isang ikaw Nabubuo ng aking mga araw