Yan ang unang salita na biglang pumasok sa aking utak Kapag narinig ko ang iyong pangalan na noon akala ko isang bulaklak Akala ko ikaw ang nag-iisang napagandang bulaklak sa hardin na malawak Pero nung nakuha kita di ko akalain na ako pala’y iiyak
Mahal, saan ba ako nagkulang? Minahal kita ng sapat pero bakit ako’y iyong sinaktan? Ako ang iyong iniwan Pero bakit ako itong luhaan?
Nasasaktan ako tuwing na-alala ko ang magandang pagsasama Kulitan doon, tawa dito, hatid-sundo, at loob ko’y nakuha mo na Hanggang sa binigay ko sa’yo ang aking tiwala Pero di ko inasahang itatapon mo lang ‘to ng bigla-bigla
Binigyan mo ako ng madaming motibo Pinakita mo sa’kin na masaya ka kasama sa piling ko Ipinaramdam mo sa’kin na importante ako sa’yo At higit sa lahat sinabi **** ako’y mahal mo
Mahal, oo Mahal mo ako Mahal mo ako tuwing walang kasama Mahal mo ako tuwing wala kang kalaindian na iba Mahal mo nalang ako tuwing may kailangan ka Oo, kasi madali lang sa’yo ang sabihin ang salitang “MAHAL KITA”
Mahal, isa kang napakalaking PA-A-SA PA – pagmamahal na akala ko nasa’kin na A – akala ko abot ko na ang pangarap ko sinta pero SA – sakit lang pala ang idinulot mo at puso ko’y namamaga kaya paalam na sa’yo Mahal kong PAASA