Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Nakatulala ka at nakatingin sa repleksiyon ng iyong sarili sa bintana ng iyong silid.

Luhaan. Parang gripong patuloy sa pag-agos ang iyong mga luha.

Nagwala. Pinagbabasag ang mga bagay na mahawakan mo.

Inihagis mo ang silya sa bintana at nagkalat ang mga bubog sa sahig.

Napaluhod. Hindi inalintana ang bubog na iyong niluhuran.

Kinuha mo ang isang piraso ng bubog sa sahig. Hinawakan mo nang mahigpit. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha mo hanggang sa biglaΒ mo na lamang itinarak iyon sa pinakagitna ng iyong dibdib.

Ibinaon mo pa nang ibinaon hanggang sa magsilabasan ang mga pulang likido mula roon at sa iyong bibig. Hindi ka pa nakuntento ay padapa **** ibinagsak ang sarili sa sahig at tuluyang naibaon ang bubog sa iyong dibdib.

Nang dahil sa pag-ibig, buhay mo ay wala na.
Written by
Eugene  Manila, Philippines
(Manila, Philippines)   
  752
 
Please log in to view and add comments on poems