Ikaw, ako, sila, tayo,
Panghalip lamang ba ang mga ito?
Hanggang panghalip nga lang ba?
O baka may tinatago pang iba.
Yung mga panghalip na panao,
Inihahalili sa ngalan ng tao,
Yung ginagamit pag di tiyak,
O may alinlangang hawak.
Dahil di ako sigurado,
Di ako tiyak kung ano,
Kung ano ang itatawag ko,
O kung sino ka nga ba sa buhay ko.
S'ya ba'y kilala ko?
Panghalip ba'y kailangan dito?
baka ako'y nagmamaang-maangan lang,
At sabihing di ko to alam.
Ikaw, yung parang naging kapatid,
Ikaw, yung simpleng nakaka-akit,
ikaw, yung saki'y nkapagpangaral,
Ikaw, yung sana'y sagot saking dasal.
Ako, yung kasalukuyang nagsusulat,
Ako, yung para sayo'y salat,
Ako, yung masasabing mangangarap nalang,
Ako, yung lupa't ikaw ang kalangitan.
Sila? sino nga ba yang sila?
Sila, yung iyo at aking nakasama,
Sila, yung sa buhay nati'y naging parte,
Sila, yung kasama natin sa pag abante.
Tayo, ito yung sakit sa ulo,
Tayo, yung si ko alam kung sinu-sino,
Tayo, yung ako at mga kasama ko,
Tayo, yung ikaw ba yan at ako?
Hep hep hep! parang mali,
Dahil yung ikaw at ako'y parang di maaari,
Wag naman nating kalimutan sila,
yung iba pa nating mga kasama.
Dahil yung tayong ikaw at ako,
Yung tayong sa totoo'y ninanais ko,
Yung alam kong di angkop sa pagkakataon,
"Tayo", ang etiketang di pa napapanahon.