"Mahal Kita, tandaan mo sana" Ilang beses **** pinaulit-ulit sakin Pero minsan, napupuno pa rin ako ng kaba "Magtiwala ka kasi.. wag ka nang umuo, Gawin mo na lang." Natuto akong itiklop ang bawat sanang nais sambitin Pagkat sabi mo'y maging buo ang tiwala ko.
Walang himpil kung paano mo ipinaaalala ang lahat Ang lahat ng kabutihang ipinatamasa mo sa akin Gamit ang iyong pagmamahal Na minsan ko nang pinagdudahan.
"Ganyan talaga pag nagmamahal, Pero wag kang matakot Kasi di kita iiwan." Di ko mapigilang hindi umiyak Sa bawat pagsambit mo ng "mahal kita" Nagiging kampante yung puso kong Ikaw lang naman ang nais maging parte.
"Wag muna tayo masyadong mag-usap," Wika mo para rin sa ikabubuti ko. Pero hihintayin ko ang pagbabalik mo At patuloy akong kakapit sa bawat pangakong Binitawan mo hindi para ipatangay lang sa hangin Pero para buohin yung kulang na ako.
"Mahal kita," at diyan ako lubos na kumakapit Sa pagbalik mo'y hawak mo ang aking mga kamay At sabay tayong lilisan sa lugar na'to Sasabay ako sa pagbangon mo.
"Oo, payag na ako," **Tara na.
These things I have spoken to you while I am still with you. But the Helper, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, he will teach you all things and bring to your remembrance all that I have said to you. Peace I leave with you; my peace I give to you. Not as the world gives do I give to you. Let not your hearts be troubled, neither let them be afraid. - John 14:25-27 (ESV)
I will no longer talk much with you, for the ruler of this world is coming. He has no claim on me,but I do as the Father has commanded me, so that the world may know that I love the Father. Rise, let us go from here. - V. 30-31