Kung alam mo lang Kung alam mo lang ang bilang ng mga araw na ika'y tumatakbo sa isipan ko – na sa bawat bilang ng araw, oras at minuto, may presyo na ginto, Siguro ngayon pa lang, mayaman na ako
Kung alam mo lang Kung alam mo lang na tuwing naiidlapan ko ang iyong mga mata, Gumagaan ang aking loob, bumabagal ang ikot ng mundo, bumibilis ang tibok ng puso – tumitibok ang iyong puso Ngunit ito'y may nagmamayari na ng ibang puso
Kung alam mo lang Kung alam mo lang na ika'y ninanais ko Ipapakilala ko sa'yo ang aking mundo- Subukan mo Baka sakali, baka sakali lang naman Baka sakaling magustuhan mo at dumating sa punto na gusto **** manatili dito – Dito; dito ka na lang. Dito ka na lang sa piling ko. Hindi ko hahayaang magkasugat, mabasag at magkawatak-watak ang iyong puso
Pero kung hindi, hahayaan kita Pababayaan kita – Hanggang sa kaya ko na maging masaya na hindi ikaw ang dahilan Hanggang sa mawala na lang ang aking mga nararamdaman bigla Hanggang sa hindi na ikaw ang iniisip ko Hanggang sa hindi na ikaw ang centro ng aking mundo At ang sanhi ng pagtibok ng puso
At habang ika'y pinapanuod 'kong maging masaya – Pagmamasdan ko ang iyong ganda; Ika'y inaakit na ng ligaya Paalam na aking sinta, na tinatawag ko ring “tropa” – pinagkakahiwalay na tayo ng tadhana; Malaya ka na.