Sa sarili noon ay aking nasambit, Sa pangarap ko, wala nang hihigit Sa buhay na ito, wala na ring nais makamit Kundi ang pangarap ko na sana'y masapit
Ngunit nang narinig ko ang tinig **** kayganda, Ako sa iyo ay agad nahalina Sa puso ko'y nabuhay muli ang pag - asa , At mula nun' ninais kong ikaw ay makita
Ang iyong kanta kung pakinggan ay anong sarap ! Mas maganda siguro kung aawit sa aking harap Sa malamig na tinig mo,lahat ay naaakit Sa mga larawan mo, mata ko'y tila nadikit
Oh mahabaging langit! kailan kaya makikita Itong talentadong tao na iyong nilikha? Autograph nya kailan ko kaya makukuha? O masilayan man lang maganda nyang mukha?
Pakiwari ko'y mahaba pa ang aking tatahakin, Sa pera ko'y marami pa ang dapat ipunin, Kaya't sa ngayon, ang akin nalang gagawin, Sundan sya sa facebook twitter at ig narin!
At bago ko ito wakasan, Isang salita ang nais kong iwanan Di pa man kita nasisilayan, Mamahalin ka sa tahimik na paraan.
Alam kong malabong ako ay mapansin, Dahil marami ang mga katulad ko rin, Ayos lang! Basta't lagi **** tatandaan May isang CRISSEL na handa kang suportahan.
At kung loloobin man ng kapalaran, Itong tula'y iyong mapakinggan, Sana ikaw ay masiyahan, Magdulot sa iyo ng konting kaligayahan.
Hindi ko alam kung may pagkakataon Na magkatotoo ang aking mga ilusyon, Pero tandaan mo sadyang mahal kita Sa puso't isip ko tunay na nag - iisa !
This is dedicated to my favorite artist Kaye Cal ❤❤