Heto, magsisimula na naman ako sa dulo Sa dulo kung saan ako mismo ang nagbigay katapusan Nagbigay katapusan sa sanang "tayo."
Ako naman yung bumitaw Sa akin naman nanggaling yung mga katagang "Wag muna, huminto muna tayo."
Pero gaya ng ulan, di ko kayang pahintuin ang lahat Gaya ng buhangin sa tabing-dagat, Di ko kayang buohing muli ang sanang "tayo" Kung ito'y gumuho na sa mismong mga kamay ko.
Parang mas di ko ata kaya -- Di ko kayang wala ka Di ko kayang mag-isa Na alam ko namang isa ka sa kalakasan ko.
Gusto kong ibaon ang sarili ko sa buhanginan Sa buhanginan at magpatangay sa tubig ng dagat At baka sakaling makabuo tayo ng "tayo" Baka sakaling maging matatag ang "tayo" Baka sakaling hindi na tayo sumuko sa isa't isa.
Paulit-ulit kong iniisip kung ba't ko nasambit ang lahat Akala ko, namanhid ako sayo Pero yung totoo, di ko man lang masabi sayo Di ko masabi sayong ayokong bitiwan ka Na ayokong pakawalan ka.
Gusto kong ihagis ang sarili ko sa dagat At magpalunod hanggang sa sagipin mo ako At buhatin mo ako sa pampang At saka mo muling sabihing di mo ko iiwan At saka mo sabihing mahal mo pa rin ako.
Gusto kong maggising sa mga bisig mo Masilayan ka, makita ka, mayakap ka Kasi di ko alam kung kaya ko pa Kung kaya ko pang mawala ka ulit.
Pasensya kung nasasaktan kita Kung nanghihina ako kapag wala ka Na lagi ko sayong ibinubuhos ang bawat daing ko Na halos manghina ka na rin dahil sakin.
Pasensya kasi sobrang mahal kita Na sa halos tatlong taon, Hindi kita binitawan Pero ngayon, nagtataka ako Nagtataka ako sa sarili ko Ba't ba kita pinakawalan? Ba't ba hinayaan kong maglaho na lang ang lahat? Ba't ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko? Ba't ba di ko masabi sayong kailangan kita?
Oo, kailangan kita at oo, mahal kita Hindi naman ako nagbibiro At wala sa bukabularyo kong iwan ka at paasahin ka lang.
Di ko mabilang kung ilang beses kong hindi nasalo ang bawat luha Ang bawat luha sa mga mata kong parang pawis Parang pawis na dumidilig sa tigang na lupa Hanggang sa masaksihan kong iba na ang ruta ko -- Na tila ba ang layo mo na Na tila ba ang layo ko na sayo.
Siguro nga, natuto ka kaagad Natuto ka kaagad na bitiwan ako At sobrang sakit Eh akala ko namanhid na talaga ako sayo Pero alam mo, ngayong wala ka na Ngayong wala ka na sa mga kamay ko Parang mas di ko na kaya.
Ewan ko, basta Basta lang -- Sana bumalik ka na Balikan mo naman ako.