Ang tunog ng katahimikan ay malalim Sabay ng kumpas ng malamig na hangin Kasama ka, tayo'y nakahiga sa buhangin At nakatitig lamang sa mga tala sa dilim
Di ko napansin, ang aking damdamin Parang tala na nahulog mula sa langit Ako'y nalunod, sa agos ng iyong tingin Sa lalim ng iyong kalikasang marikit
Nilamon ako ng mga bituin at langit Katulad ng pagkalunod ko sa iyo Di makahinga, pilit kumakapit Ang nahihirapan kong puso
Sa mapait na katotohanang Hindi ka magiging akin Dahil ikaw ay isang bituin At ako ay hamak na tao lamang Isang tao na hanggang tingin lang