Nakalimot ako Kung paanong magsulat Ng isang akdang pampanitikan Hindi ko na muli alam kung papaanong Sisimulan o tatapusin o hahabiin Ang kalagitnaan ng walang katapusang salita Nakalimot ako Naubusan ako ng tinta dahil Nagmahal yata ng iba Wala na akong papel sa buhay mo O sa ibang taong Taon-taon na lamang sa simula ng taon Pinangarap kong makasama upang makita ang mga lumilipad na parol Nakalimot ako Sa nagdaang taon Paano ko nga ba ikinulong ang sarili sa isang kahon Nanatili roon ng mahabang panahon Nagdugo ng mga letra para sa kanyang patron Paano? Paano ko naalala ang maliliit na bagay na nagdulot ng hapdi At ibaling iyon sa papel na akala ko ay mayroon ako Nakalimot akong kalimutan ka at ang iyong alaalang wala naman talaga Kasi diba? Hindi naman tayo magkakilala Nakalimot ako kung sino ka Isang taong hindi ko na nais kilalanin pa.