Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan Naitatala nito ang takdang oras. Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat Segundo, minuto at oras sa bawat araw na lumilipas.
Ngayong araw na ito, tila sadyang nagmamadali ang yaring mga kamay na parang bang may hinahabol. Hindi naman sila mga paa Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo
Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay, nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito. Na kung sila’y magkakabuhay lamang Ay aking itatanong, “’Hindi pa ba kayo napapagod?”
Akala ko ba’y Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan Ay ito’y patuloy na tatakbo? Tatakbo at tatakbo. Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito at hindi lalayo. Iikot ng iikot. Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil. Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil, kung sadyang naubusan ng batirya, kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya.
Ngunit sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata, 'Di ko nabatid kung isang panaginip o isang realidad na nga ba ang aking narating. Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo ay bigla na lamang huminto. Ang pagkumpas ng oras ay nabigo. Ang panahon natin ay naglaho.
Habang aking isinusulat ang tula na ito, aking biglang sabi sa sarili, "Dami **** time, girl. May research paper ka pa." HAHAHA how ironic