Diba nandoon ka noong sila'y humingi ng tulong noong sila'y hinuli at sinaktan ng walang kalaban-laban noon sila'y tinrato na hayop ng sarili nilang kababayan.
Diba narinig mo ang iyak ng mga batang dinuyan sa tunog ng bala noong ang mga nanay nila na dapat kakanta ay hindi na makita.
Diba nakita **** nanaig ang kapangyarihan kaysa sa kanilang karapatan?
Nandoon ka sa bawat iyak sa bawat sigaw pero hindi mo sila sinagip mula sa kapangyarihang puno ng galit.
Ngayon nama'y kami ang naririto mga bagong saksi ng pagkatalo mga sundalong walang armas pero pilit ipinaglalaban ang katotohanan.
Kailanma'y hindi magiging sapat ang mga libro para ikwento ang pait para aming maramdaman ang sakit.
Pero ngayong araw mga mata'y luluha muli ang mga sugat ay muling hahapdi.
Ngayong araw kinalimutan ang kasaysayan kaya't pasensya na mga anak kung aming napabayaan kung ibang pananaw na ang inyong daratnan
O Pilipinas, ikaw pa ba ang Perlas ng Silangan?
November 8, 2026. To all victims of Martial Law, I am eternally sorry.