Ang saya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip
Ang saya matulog Para lang akong nahuhulog Nahuhulog sa ideyang tayo Pero di masasabihing totoo
Pagtulog na mag-isa ka Sa panaginip kasama ka Naka-ngiti, Magkahawak ng kamay, Nakatawa.
Pagkagising mag-isa ka. Nakahiga sa kama Malungkot, Walang kayakap, Marahil na nagdurusa.
Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo, Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo. Naniwala at nagpaloko Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro
Minsan gusto ko nalang matulog Kase nakakapagod na mahulog Mahulog sa kalungkutan Mahulog sa kasawian
May oras na ayoko nang gumising, Sa tulog kong mahimbing. Dahil alam kong kapag ako'y namulat, Gugustuhin ko ulit sumulat.
Sumulat ng aking nararamdaman, Sumulat ng bagay na ipinaparamdam, Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman.
Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod Mapapagod sa nararamdaman Mapapagod sa katangahan Mapapagod sa kabiguan
Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog Dahil malinaw na ito'y isang katangahan
Sa susunod na pagtulog Sana hindi na ikaw ang laman Ng panaginip At Laman ng puso't isip
Dahil masaya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip