I. Kilig Unang kita ko palang sa'yo— Gusto na kita maging parte ng buhay ko Sinong hindi kikiligin sa tuwing Ngumingiti ka rin, Sa tuwing ngumingiti ako sa'yo.
II. Kaba Sa tuwing kakausapin kita, Nauutal ako. Nagbubuhol-buhol ang mga salita— Na enensayo ko pa kaninang umaga. Kasi araw na ‘to ipagtatapat ko na— Ang tunay kong nadarama.
III. Saya Dahil sa wakas nasabi ko na! Hindi ko akalain na pareho ating nadarama. Sinong hindi sasaya? Kapag nabigyan ka ng perbilehiyong— Magkaroon ng “tayo” sa pagitan ng Dating “ikaw” at “ako” lamang.
IV. Galak Alam ng Diyos kung gaano nagagalak Sa tuwing magtatagpo ang mga mata. Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak Sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo. Sa tuwing magkausap tayo magdamag Alam ng Diyos kung gaano ako nagagalak Nung simula kang maging parte ng mundo ko.
V. Inis Naramdaman ko rin ang inis Sa tuwing binabalewala mo ako, Sa tuwing iba ang kasama mo, At hindi ko namamalayang Nagseselos na pala ako.
VI. Pangamba Nangangamba ako, Sa tuwing aalis ka ng walang permiso. Sa tuwing hindi ko alam kung sino kasama mo. Nangangamba ako, Sa anong pwedeng gawin mo— Sa tuwing nagkakaroon tayo ng pagtatalo.
VII. Takot Takot ako na magsawa ka sa gaya ko. Takot ako na baka makahanap ka ng iba Yung kayang higitan ang isang tulad ko. Takot na baka isang araw— Hindi na ako ang iyong mahal mo.
VIII. Lungkot Madalas malumbay na gabi ko. Sabik na sabik ako — Sa mga yakap mo, Sa mga dampi ng mga halik mo, Sa mga magagaan na haplos sa ulo ko. At sa mga gabing natatakot ako. Gusto ko lang na nandirito ka sa tabi ko.
IX. Pangungulila Dumaraan ang mga araw, linggo at buwan Na wala ka nang oras sa akin, Gusto sana kitang puntahan Ngunit alam kong— Na mas importante ka pang gagawin. Naiintindihan ko naman Pero anong magagawa ko? Nangungulila ako sa’yo.