Sana makapaghabi ka ng magarang tula gamit ang tira-tirang retaso ng puso ko Maiibsan ang kirot sa pagkakaalam na muling mapakikinabangan damdaming nagmistulang basahan
Heto pa ang mga luma kong luha Tambak, nagkalat, 'di na alam saan nagmula Kiluhin mo na't gawing sining Nang may malugaran, sariwang luhang nagbabadya pang dumating
Ayoko nang maging Pambansang Alipin ng Feelings, please lang.