Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2016
Pero
Isang salitang
Pag iyong marinig,
Dapat nang paghandaan
Ang sakit na papalapit

"Maganda naman pero..."
"Mabait ka naman pero..."
"Mahal kita pero..."

Isang hudyat
Ng dapat pang ayusin
Ng kasayangan ng panahon
Ng pagkukulang

Isang hadlang
Sa satispaksyon
Sa pagkakaibigan
Sa iyo at sa akin

"Mahal kita pero may iba na"
"Mahal kita pero hindi ko na kaya"
"Mahal kita pero hindi na tama"

Madaming pero
Madaming dahilan
Di mo lang maamin
Ayaw mo na talaga

Sana sa susunod
Sabihin mo naman

"May iba na pero mahal kita"
"Hindi ko na kaya pero mahal kita"
"Hindi na tama pero mahal kita"

Na tila ba
Nagsasabing
"Ano man ang humadlang, humahadlang, at hahadlang,
Mahal kita,
At iyon lang,
Sapat na,
Para sa ating dalawa"
Malaki pala ang nagagawa ng sentence arrangement, 'no? hehe
cosmos
Written by
cosmos  Philippines
(Philippines)   
3.8k
   cosmos
Please log in to view and add comments on poems