Di niyo ba alam na nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa? Na ang mundong ito'y Kanyang binigyan ng hugis at anyo gamit lamang ang mga salitang dumaan sa Kanyang bibig? Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!" Nagkaroon nga.
Di niyo ba alam na kaya Niyang humarang sa agos ng dagat, ipaawit ang mga bituin, ipaluhod ang bulubundukin?
Di niyo ba alam na ang kapangyarihan na ito, ang kapangyarihang ginamit Niya para ibuo ang mga planeta, ang kapangyarihang ginamit Niya para tigilan ang pag-akyat ng buwan nung lumalaban sina Joshua, ang kapangyarihang ginamit Niya para bigyan muli ng buhay ang yumao ay nasa atin din?
Ito ang Kanyang pangako: Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan ng ating kaaway
Di niyo ba alam na may kapangyarihan sa pagsamba sa Kanya?
Di niyo ba alam na nung ikapitong ikot sa ikapitong araw, mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico?
Sumigaw na tayo sapagkat nasa atin na ang tagumpay Sumigaw na tayo sapagkat sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo sa Kanyang pangalan, lumiliwanag ang dilim sa Kanyang pangalan, lahat ng takot ay nadadaig
Sambahin natin ang Panginoon ng buong galak ng buong puso nanginginig at mga demonyo sa pangalan ni Hesus tumutumba ang mga harang ng impyerno sa pangalan ni Hesus
Tayo'y magkaisa, itaas ang mga kamay tayo'y magkaisa, itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta tayo'y magkaisa
Sambahin natin ang Diyos na buhay, ang Diyos na dakila!
Written as a call to worship during our church's prayer meeting. First Tagalog spoken word piece.