Umurong man ang aking dila ng ako ay nilikha, Bukas naman ang aking mga mata sa inyong pangungutya. Pangungutyang hindi kailanman ay kaaya-aya, Bagkus ay naging tinik sa aking araw-araw na pag-asa.
Pag-asang milagro na lamang ang hinihintay, Pag-asang masabi ko rin ang bawat letrang nakahimlay, Pag-asang maibibigkas ang katagang sa dugo ko ay nananalaytay, At pag-asang, ika'y naririyan upang sa akin ay umalalay.
Aalalay at maging tagapagsalita sa aking harapan. Isasatinig ang aking naisulat na mga banghay-aralin. Upang malamang nila ang aking mga saloobin, Saloobing tatatak sa puso at isipan ng bawat mamamayan natin.