may saboy ang liyab kapag naidadarang,, sa simoy at alimuom na di pahaharang,, anumang sisidlan,,tining ay iindayog kapag umaapaw. gaano man kalalim hukay,,pagtapak sa lapag mababaw.
""basura man nga sa paningin meron din namang saloobin bakit di kaya minsan ay buklatin marahang hagurin bago simsimin .....""
yaong dapat ay apat,sa unang saknong nakasiwalat tila bugtong-dugtong,pawang sa sahig ay nag-kalat wag mabahala sa bawat isang paglamukos na tapon may gantimpala sa bawat nakakuyumos na hamon !
huling bilang panlima,,,,, lambing ang hiling kaya 'wag iiling! sa bawat nilalaman ng kuyumpit na papel minsan ay itinuring. sa aking pagbabalik,ako'y nasasabik at di na nga nagpatumpik-tumpik siphayo,simbuyo at silakbo!Ang mga ito'y bunga ng higit pa sa isang halik
Inspired by the poem --Give Me Love ni IGMS its gonna make sense