muli sa inyong harapan,walang kiyeme.Ako'y may luha ng galakΒ Β na sumasainyo pigil hininga sa mga katotong bantayog na nakakasalamuha ko halos hikahos kong kinu-kuyumos yaring mga mata ko na wala pang hilamos pagkat sa tulad kong aba' ,kada rima ay sadya talagang mana nga o para sa tao etong aking paghangos!
isang nilalang na ang kara ay tila ba mapalad na albularyo na di man lang kapara ng doktor na malawak ang bokabularyo kaya't halina at ating paigtingin ang naturang tula at talumpati sa tamang panahon at termino ng huwarang tupa at puting kalapati
ehem,,ayon daw sa isang bokasyon dapat raw eh mag-bukas 'yon Oo."ang hawla na seremonya sa KASAL at tanging tali lamang ang may SAKAL
LAKAS sa paghila,manapa nama'y banayad AKLAS man ang reaksiyon ng pagaspas sa paglipad magsisitingala ay LAKSA hanggang ang pares ay magsidapo mapapahangang gaya sa SAKLA.,tagos agad walang kahapo-hapo
edi wow aww aww...kahol ng bantay-bombang ASKAL habang nababakas ang kasiyahan ng kapwa magpupulot-gata at ng mga saksing sabik sa sabaw kapagdaka'y palakpakan naman ang siyang sa paligid ay pumaimbabaw LASAK man na sa paningin ang pulang alpombra,hinde naman matatawaran mga alaalang duon ay naihalal!
to be continue...... na para bang KALyeSerye-- a Series of Love with KArats