Sa aking panaginip Ikaw ay nasilip Doon, Tayong dalawa ay magkalapit Nakahiga, Magkayakap ng mahigpit Masayang nag-uusp Sinusulit ang bawat saglit Lumipas ang ilang oras At tayo'y bahagyang napapikit
"Psst,Psst" Aking unang sambit Nagtaka kung bakit hindi ka umimik "Psst,Psst" Aking muling inulit Natigilan, napaisip "Bakit tila ayaw niyang marinig"
"Gusto na kita" Ang sunod ko sanang nais mabanggit Ngunit pambihira Naalimpungatan, biglang nagising BITIN! Badtrip. Ang tagal mo kasing umimik Pati tuloy panaginip, nainip