dagliang sampay ng kamay sa balikat na wala man lamang konsepto ng pag-iingat.
itong bulalakaw ng halik at ang haba ng tarima. ang sikhay ng dagat ng pag-agos ay hindi mapapagod kailanman, sapagkat ang daluyong ng bawat sandali ay mistulang hangin sa bukas na mga bintana. inaalis ang bigat ng panaginip at ikinikintal ang gaan ng pag-gising nang muli