Ikaw yung tipo ng babae na walang arte Yung hindi nahihiyang magdala ng kapote Maliit ka nga, boses nama'y boses lalake Ang ganda mo. Lalo na't ika'y simple.
Sana tayo'y muling magkita At muling magkaroon ng isa pang pagkakataon. Pasensya kana sa sinayang na panahon. Pero sana'y batid **** mahal na kita.
Sa t'wing ika'y aking nakikita, Hindi ko maitago ang aking saya. Hindi mo ba ito pansin sa aking mga mata? Sabagay, siya pa din kase mahal mo.. diba?
Noon pa'y alam kong talo na ako Pero sige, ipaglalaban ko ito. Please lang. Saluin mo ako. Heto na ko, nahulog na sayo.