Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2015
kung bibigyang halaga ang pag-ibig
siguro, pulubi na ako

pagpalagay nating
isang daan na lamang ang pera ko
at bawat pagkilos
ay tatapatan natin ng
sampung piso

sampung piso para huwag mo akong i-seenzone sa fb
sampung piso para huwag mo akong i-unseenzone sa fb
sampung piso para i-chat o text mo naman ako
sampung piso para bawasan 'yang init ng ulo mo
sampung piso para patawarin mo ako
sampung piso para kausapin mo naman ako nang maayos
sampung piso para maintindihan kung ano ba 'yang gusto mo
sampung piso para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo
sampung piso para bigyang-oras mo naman ako at magka-ayos tayo

at itong huling sampung piso
iaalay ko na lamang sa donation box ng chapel

baka sakaling dapuan ako ng milagro
at matauhan din ako sa katangahang ito

dahil ubos na ang pera ko
ngunit 'di ko pa rin mabili
ang pag-ibig mo.
Written by
Razbliuto
51.3k
 
Please log in to view and add comments on poems