Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
I held my breath in halls of smoke,
Where silence spoke the words I choke.
A flicker flared beneath my skin—
A serpent coiled, a scream within.

No thunder cracked, no heavens cried,
Just steady sparks I brushed aside.
The mirror smiled with lips of glass,
And let the crimson moments pass.

By then, the flame had found its name,
But all the ash looked just the same.
I reached for peace with ember hands,
Unknowing of the blood that stands.

The thing with wrath—it wears no face,
Just empty rooms and hollow grace.
You’ll count your scars in shades of red,
Long after all the words are dead.
In shadowed vaults where silence creeps,
The world beneath its axis sleeps.
A trembling thread, both tight and thin,
Keeps storm without and peace within.

The gales of madness roar and spin,
With howling mouths and silver grin.
They claw at minds, they kiss the flame,
And call the stars by broken name.

Yet Balance walks with quiet grace,
A veiled ghost in no fixed place.
One foot in dark, one hand in light,
She dances slow through wrong and right.

The storm may scream, the chaos bite,
But Balance blinds the blaze of night.
Her whispers tilt the spinning spheres,
And lull the heart of hollow fears.

So mark the wind, and mark it well—
What stirs the soul may also quell.
For in the space where tempests reign,
She weaves the calm between the strain.
Whispers tread where clocks don’t chime,
A hush draped over thoughts of time.
It sips from the stream, unseen, unfelt,
Where yesterdays quietly melt.

No lock, no key, yet doors unhinge,
A breath, a blink — then comes the tinge.
Of something lost not known when missed,
A ghost of now, by shadows kissed.

Its fingers wear no weight or ring,
Yet pluck the thread from everything.
And we, unknowing, pay the fee,
For time collects in secrecy.
Sa mesa ng Dunkin, tasa’y malamig,
Kape sa papel, lasang panaginip.
May marka ng labi sa gilid ng tasa,
Parang halik na naiwang walang paalam na sinta.

Nagkakape ako, pero di para gisingin,
Kundi para damhin ang mga hindi ko maamin.
Sa bawat higop, may lihim na usapan,
Na para bang multo ng nakaraan ang ka-table ko minsan.

May donut sa plato, butas sa gitna,
Tulad ng puso kong may kulang at sira.
Sugar glaze na pilit nagpapasaya,
Pero ang tamis, panandaliang pantasya.

Ang pader ng café ay puno ng ingay,
Pero sa loob ko'y katahimikan ang tunay.
Nagbabasa sila ng menu, ako ng alaala,
At sa likod ng aroma, may sakit na kumakawala.

‘Pag naubos ang kape, saka mo mapapansin,
Na minsan pala, ang Dunkin ay libing.
Hindi ng tao, kundi ng damdamin—
Na matagal nang nilimot pero ayaw pa ring limutin.
Sa sulok ng Starbucks, naupo ako mag-isa,
Tasa’y may pangalan—pero di ko kilala.
Mocha sa loob, mainit na itim,
Parang damdaming pinilit kong takpan sa dilim.

May pangalan sa cup, sulat kamay ng crew,
Pero ang tanong: “Alin ba sa’kin ang totoo sa view?”
Grande ang size, pero hungkag sa laman,
Tulad ng puso kong pagod na magmahal nang lubusan.

Naghalong caffeine at hiningang mabigat,
Bawat lagok, may tanong na di ko mailapat.
Bakit tila lahat ng mabango ay may kirot?
At ang tamis sa dulo, parang huling halik bago lubos na pagkalagot?

May wi-fi at jazz, pero ang isip ko’y lagalag,
Habang ang sugat sa loob, dahan-dahang bumibiyak.
Barista’y ngumiti, sabi’y “enjoy your brew,”
Di niya alam, ito ang huling tasa bago ako maglaho sa view.

Lahat busy sa MacBook, ako busy sa multo,
Mga alaala **** ininom ko ng buo.
At sa dulo ng cup, may mensaheng nakasulat:
"Some stories begin with coffee..."
...pero ‘yung sa’tin, doon natapos ang lahat.
Sa simula, isang hinga — lihim na awit ng alabok,
Sa luklukan ng dilim, pinunit ang katahimikan.
May umusbong na liwanag sa tadyang ng gabi,
Pilit sumisilip sa pagitan ng hinog na buwan.

Isang bilang ang itinaga sa pader ng panahon,
Ngunit sino ang bumilang?
Bawat kandila’y sayaw ng oras,
Habang ang anino’y dumarami sa bawat sindi.

Ang mga palad ay may bangin,
Doon isinusulat ang mga lihim na paalam.
Ang halakhak ng sanggol ay may aninong naghihintay,
Nakataling lubid sa umuusbong na araw.

Ngunit huwag kang malito—
Ang bangkay at paslit ay iisang palatandaan.
Dahil ang kaarawan ay pintuang umiikot,
At ang kamatayan ay salamin sa kabilang gilid.
Akala ko noon...
ang pagmamahal ay sapat.
Na kapag ikaw ay totoo,
kapag ibinigay mo ang lahat,
babalik din iyon, buo—
higit pa sa iniwan **** pagkatao.

Pero ang hindi ko alam...
ang pag-ibig pala,
hindi lang laban ng damdamin,
kundi laban ng tiyaga,
ng pananatili,
ng pag-uunawa
kahit pa ang bawat araw ay parang dulo na ng mundo.

Sino ba ang may sabi
na ang mga tunay na nagmamahal,
hindi napapagod?

Sinong manunulat ang nagturo sa atin
na basta mahal mo,
laging may “tayo” sa dulo ng kwento?

Naniwala ako.
Tadhana, naniwala ako.

Pinili kitang mahalin,
kahit hindi ako ang pinili **** mahalin pabalik.
Pinili kitang intindihin,
kahit ako na ang nalulunod
sa katahimikang hindi mo kayang ipaliwanag.
Pinili kitang ipaglaban,
kahit ikaw, matagal mo na akong binitiwan.

At sa bawat gabi,
habang ginigising ako ng sariling iyak,
hinihiling kong sana…
sana ako na lang ulit.

Pero hindi ganun ang buhay.
At lalo nang hindi ganun ang pag-ibig.

Minsan, kahit gaano ka kabuo,
kahit gaano ka kabait,
kahit gaano mo siya minahal sa paraang wala kang itinira para sa sarili—
hindi pa rin sapat.

Dahil ang pag-ibig,
hindi laging patas.
Hindi laging sabay ang tibok.
Minsan, isa lang ang tumitibok
habang ang isa'y matagal nang nanahimik.

At doon ko naintindihan...

Walang perpektong pag-ibig.

Walang pag-ibig na walang lamat,
na walang luha,
na walang tanong sa gabi,
na walang sigaw sa unan.

Pero higit sa lahat,
walang perpektong pag-ibig
kung wala ang dalawang taong pumipili,
araw-araw,
na manatili.

Hindi ko ito tula para sa mga “naging tayo.”
Ito'y para sa mga “halos tayo.”
Sa mga “kung kailan minahal kita ng buo,
tsaka ka nawala.”
Ito'y para sa mga iniwan kahit wala namang pagkukulang,
sa mga nagmahal nang sobra,
at sa huli—sarili ang nawalan.

Kaya kung ikaw ito...
kung ikaw ay gaya ko...

Patawarin mo ang sarili mo
sa pag-asang babalik pa siya.
Patawarin mo ang puso ****
lumaban kahit mag-isa.
At higit sa lahat...

Piliin mo ulit ang sarili mo.

Dahil ang natutunan ko?

Ang tunay na pag-ibig—
hindi kailangang perpekto.
Pero kailangang totoo.
At kailangang pareho kayong nandyan,
hindi lang kapag madali,
kundi lalo na
kapag masakit na.
Next page