Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Dec 2018
Mahal Kita
ni MeasMrNiceGuy

Pinipigilan kong huwag maghanap ng iba
kasi alam kong naghihintay ka.
Pinipigilan kong huwag tumingin sa iba
dahil alam kong nakatingin ka.

Pinipigilan kong huwag mahulog sa iba
kasi alam kong gustong-gusto kita.
Pinipigilan kong huwag sagutin sila
dahil alam kong mula noon hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita.

Sana... huwag akong umasa
na sa una at huli nating pagkikita
makita ko sa iyong mga mata
ang tunay **** nadarama sa akin, aking sinisinta.

Mahal na mahal kita
at ang lungkot ng nag-iisa.
Mahal na mahal kita
ngunit hindi ko na kayang hintayin ka.

Mahal na mahal kita
at sana mabigkas mo ang dalawang salita.
Ang salitang "mahal kita"
na kay tamis pakinggan sa aking tainga.
Eugene Dec 2018
Nakakubling Lungkot Sa Puso

Pilitin ko mang itago ang nararamdaman kong saya,
Nangingibabaw pa rin nang malaki ang nakakubling pangungulila.
Kahit sumilay man ang mga ngiti sa aking mukha,
Nakikita pa rin sa aking mga mata ang labis na pag-aalala.

Ano mang pilit kong magpakatatag at huwag pansinin ang bawat sumbat,
Muli pa ring nadarama sa puso ang pighati, pait, pagtitiis at sakit.
Naitatago man ng aking mga ngiti ang lahat ng pagdurusa't bigat,
Dadaloy pa rin ang mga luha at muling maaalala ang nakaraang mabibigat na habagat.

Kahit anong iwas ko, tinatangay pa rin ako ng isipan kung kamustahin sila.
Hindi ko kayang magsinungaling dahil sa puso ko ay mahal na mahal ko sila.
Ipagsawalang-bahala man ang bawat mga letrang nasa mensahe nila,
Mabubuo pa rin ito at mararamdaman ko ang nakaukit na mga salitang hinihintay ng puso sa tuwi-tuwina.

Sana ang lahat ng mga letrang naging salita ay totoo.
Sana ang lahat ng mga katagang nababasa ko ay galing sa kanilang mga puso.
Sana ang lahat ng mga litratong nakikita ko ay tunay at totoong-totoo.
At sana... mapanghawakan ng puso ko ang katotohanang hindi ko kayang mawalay pagkat sila ay naging bahagi ng bawat nakakubling lungkot sa aking puso.
Eugene Dec 2018
Wala na ang matang hinahangaan niyo.
Wala na ang mga matang gustong-gusto **** makita.
Wala na ang matang nangungusap kapag kaharap niyo.
Wala na ang mga matang nagsilbing ilaw sa madidilim kong mga daan.
Wala na.
Walang wala na.
Pagkat ito ay wala nang makita.
Nabulag na...
Eugene Dec 2018
Choose your words before it becomes a threat to others.
Eugene Dec 2018
Walang pumuwersa sa iyo na magsalita ka.
Walang nagsabi sa iyo na ikuwento mo ang iyong pribadong buhay.
At lalong walang nagtulak sa iyo na ibahagi mo ang lahat tungkol sa iyong nakaraan.
Kaya, kung ano man ang kinalabasan ng pagkukuwento mo sa ibang tao, huwag mo silang sisihin.
Nakinig lamang sila sa iyo.
Walang labis.
Walang kulang
Eugene Dec 2018
You are not obliged to tell, talk, and share your stories. If you do, do not blame others for what the outcome may bring.
Eugene Dec 2018
Mahalin mo ako sa kung anong wala ako kaysa mahalin mo ang kung anong mayroon ako.
Next page