Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Aug 2017
Its about time to move on.
Its about time to reconcile.
Its about time to forget.
Its about time to forgive.
Its about time to love... Myself.
#time, #love, #myself
Eugene Aug 2017
Nakaupo ako sa isang upuang nakalagay sa gitna. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pero parang binibiyak sa sakit ang aking ulo.

Umiikot na rin ang paningin ko nang mga oras na iyon nang mapansin kong unti-unting lumalapit ang magkabilang dingding na gustong dumikit sa akin.

Isa...

Sinubukan kong tumayo.

Dalawa...

Hindi ko mailakad ang aking mga paa.

Tatlo...

Ilang dipa na lamang ang layo ng mga dingding sa akin.

Apat...

Hindi ako p'wedeng mamatay dito sa maliit at masikip na espasyong ito.

Lima...

Pinigilan ng dalawa kong kamay sa kaliwa at kanan ang dingding.

Anim...

Wala na akong lakas. Maging ang mga paa ko ay kusa na ring nanghina.

Pito...

Tanging mga braso ko na lamang ang pumipigil.

Walo...

Ramdam ko na ang unti-unting pagpisa ng mga buto ko sa katawan.

Siyam...

Nabali na ang mga buto ko. Tumilamsik na ang mga dugo sa aking katawan.

Sampu...

Tuluyan nang sumabog ang bungo ko. Mistulang kulay pulang pinturang dumikit ang mga utak ko sa dingding na iyon.
Eugene Aug 2017
Hilig at Hiling

Sinong mag-aakalang pareho tayo ng nakahiligan?
Sa pagbabasa sa larangan ng katatakutan?
At hindi ko inakalang ang aking gawa ay iyong magugustuhan,
Hanggang iba't ibang kababalaghan na ang aking nasubukan.

Mahigit isang taon na ba mula nang tayo ay magkakilala?
Mahigit isang taon na ba mula nang hilig natin ay sadyang kakaiba?
Mahigit isang taon na bang ikaw ay isa kong tagahanga?
Mahigit isang taon na ba mula nang gawin kitang bida sa aking istorya?

Sa mga antolohiyang aking ginawa,
Sa iyo ko inihabilin ang mga aklat  na iyong nabasa.
Paka-ingatan mo dahil iyon lamang ang aking pamana,
Makalimot man ako, sana ang mga gawa ko ay iyong ipaalala.

Kung sakaling darating na ang wakas ng ating pagkikita,
Ako ay nalulugod pagkat ikaw ay aking nakilala.
Hiling ko sana na huwag **** kalimutan ang aking paalala,
Na kapag ako ay nawalan ng memorya, alam mo na ang bagay na sa akin ay magpapa-alala.
Eugene Aug 2017
Alam kong ika'y nagluluksa,
Sa pagkamatay ng dalawa sa iyong pamilya.
Alam kong mukha mo ay hindi maipinta,
Pagkat ramdam kong ika'y mangungulila.

Alam kong mahal na mahal mo sila,
Dahil mula sa iyong pagkabata, kasama ka nila.
Nanatili ka sa kanilang puso kahit na malayo ka,
Magkahiwalay man kayo, sa puso mo ay hindi sila mawawala.


Sayang nga lamang at wala ako sa iyong tabi,
Upang yakapin ka at sa aking balikat ay humikbi.
Magkagayunpaman, puso ko rin ay nagtatangis,
Dahil alam kong sadyang napakasakit ang maghinagpis.


Ibubulong ko na lamang sa hangin
Na ikaw ay aluin at yakapin,
Nang maramdaman **** kahit wala ka sa'kin,
Puso ko nama'y nandito at sa iyo'y naghihintay pa rin.
Eugene Nov 2016
Kapag puso ang bumigkas,
Hindi ito magpapatalo.
Kapag puso ang bumigkas,
Wala itong sinasanto.


Kapag puso ang bumigkas,
Ibibigay lahat ng gusto.
Kapag puso ang bumigkas,
Abot-langit kung magmahal ito.

Kapag puso ang bumigkas,
Matinding hinagpis ang lulukob dito.
Kapag puso ang bumigkas,
Asahan **** minsan kapag sinaktan, aabot sa pagpapatiwakal ito.

Kapag puso ang bumigkas,
Kailangan **** alagaan ito.
Kapag puso ang bumigkas,
Habambuhay kang mananatili rito.
Eugene Nov 2016
Ilang buwan na lang at ako'y lilisan na.
Lilisanin ko na ang mapapait na alaala.
Alaalang nagdulot sa akin ng pighati at pagdurusa.
Pagdurusang hiling ko ay malimot-limot na.

Sa aking paglisan, magagandang alaala ay hindi ko kakalimutan.
Kakalimutan ang mapait na karanasan,
Pero hindi ang taong naging bahagi ng aking nakaraan.
Makakakilala man ako ng ibang tao sa kasalukuyan,
Hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang pagmamahal mula sa inyo na aking naramdaman.


Sana ay ako'y inyong ipanalangin,
Na maging matatag sa darating pang pangarap na aabutin,
Maging masaya sa bago kong buhay na tatahakin,
At maghilom sa puso ang sugat sa nakaraan kong masakit sa damdamin.


Magiging malayo man tayo sa isa't isa,
Napakalapit pa rin ninyo sa aking alaala.
Matagal man bago tayo ay muling magkikita-kita,
Asahan ninyong sa pagbabalik ko ay ako'y maligayang-maligaya na!
Eugene Nov 2016
Sa bawat salitang binibigkas ninyo,
ito ay tumatagos sa aking puso.

Sa bawat katagang binibitiwan ninyo,
nagmamarka ito sa isipan ko.

Sa bawat masasakit na salita,
ang kapalit ay pagluha.

Sa bawat nakakagulat na kataga,
pagkatao ko ay pinipintasan niyo na.

Hindi niyo ba alam na ang tabil ng inyong dila
ay matulis na matulis at nakamamatay pa?

Sana'y inyong mapagtanto na,
ang dila ay may hagupit din na dala.
Next page