Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aphotic blue Aug 2017
Maikli lng ito, hindi mahaba kagaya ng pasenya ko. Tamang tama lang kagaya ng pagmamahal ko sayo. Parang kape lang yung tipong kahit malamig na, wala na yung init, gusto mo paring tikman dahil gusto mo siya, masarap, matamis kahit malamig. Kaylan kaya babalik yung init na nararamdaman ko habang hinawakan ko ang iyong mga kamay? Hindi marahil sa estado ng puso ko, malalim ang determinasyon kong maghintay. Saludo ako sa katatagan kong kahit sa saya at pighati hindi ko man lang nasubukang ibigay ang puso ko sa iba. Sapagkat alam kong kahit hirap na hirap kana, alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit habang ang oras ay dumadaan, ako'y nag-iipon ng tapang sa katawan. Iniisip na niyayakap mo ako at binulungan, hindi paaasahin gaya ng ginawa mo saakin noong nakaraan. Ngunit ano pa nga ba ang aking magaggawa, kung sa una pa lamang ng ating pagkikita ako ay nagmamahal ng isang tala. Kung pwede lang sanang bigyan moko ng isang pagkakataong baguhin ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. Ang mga pagkakamaling nananatiling nakaukit sa puso't isipan, ako'y nagdadasal na sana sa isang sandali tuluyan ko itong makalimutan. Hindi ko lubusang maisip ang sakit na dinaranas mo sa mga oras na iyon, sa mga tangang desisyon na iniwan kita para magbago ang intensyon. Intensyong akala ko ika'y nagkagusto saakin dahil ako'y naghahabol sayo, sadyang takot lang akong baka sa isang saglit ika'y biglang maglaho. Ilang beses na akong nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama sapagkat dati ako yung pinakawalan, ikaw ang nahirapan. Tapos sa kasalukuyan, kabaliktaran ang aking nararamdaman, ako yung nasasaktan, kahit ikaw yung aking iniwan. Gusto kong lumapit sayo ngunit sa tuwing gagawin ko ramdam ko ang 'yong paglayo. Ano pa nga ba ang aking magagawa? Kung ayaw mo na saakin di na kita pipilitin. Isa lang naman akong taong mahina, ginawa para ika'y mahalin.
©aphoticblue
cherry blossom Feb 2019
kinalimutan mo na kaya ako?
sa mga oras na nasa presensya ng bawat isa
naaalala mo rin kaya ang mga hangal na desisyong nagbuklod sating dalawa?

dahil ako, palagi.
sa tuwing nandiyan ay pinapauli-ulit
ang transisyon ng pagkawalay ng dalawang pinaglapit
sa pagkalimot ng isa
paulit-ulit nagsisimula sa umpisa
ani mo'y palabas sa sariling haraya

iniipit ako ngayon ng tahimik
ni walang imik sa pagitan nating dalawa
napagod na ang mga paang umakyat para lang matanaw
o magbigay ng senyas, nagdadasal na bigyang habag

napapangiti na lang sa mga gunita
dahil naaalala ang ilang beses na pagsuko at pagtayo namang muli
tulad ng paulit-ulit na pagtugtog
ng musikang nagpapaalala sayo
idk *** 2/4/19
Joseph Floreta Apr 2017
Mahal kita,
kahit na klepto ka. Ninakaw mo nga
ang puso ko,
ngunit ibinalik mo naman.
Sa’yo na ‘yan!
Sa’yong sa’yo na ‘yan!
Ano kaya mararamdaman mo kung may nag-******
ng phone mo
tapos after 3 or 4 months ibinalik ulit?
Confused ka syempre. Hindi mo alam kung magiging masaya ka pa dahil ibinalik sa’yo
‘yung dating iniingat-ingatan mo.
Siguro, oo?
Siguro, hindi?
Wala ka nang ****.
Pero sa pagmamahal, ibang usapan na ‘yun. Masaya ka na dahil sanay ka na sa kung anong meron ka ngayon…
na nasa iyo ang puso ko,
pero ibinalik mo rin. Ninakaw mo na ang puso ko,
sana dinamay mo na pati apelyido ko diba?.
Kahit hindi mo na ibalik.
Ilang beses na tayong na-</3,
pero naayos rin natin ‘yun.
Sabi ko nga sa sarili ko,
“Sana ‘di na ako nagmahal,
para lang 'di na ako masaktan pa.
Kaya lang,
makita lang kitang nakangiti,
handa na 'kong masaktan ulit.”
at sabi ko nalang rin na worth it lahat ng ‘to.
Ang nagbibigay ng liwanag sa bahay ko ay ang Zamcelco.
Ang nagbibigay liwanag naman sa buhay ko ay ikaw…
Mahal ko.
Ganern.
Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay ko bago ka dumating sa akin.
Go with the flow lang kasi ako,
Binigyan mo ako ng rason na mag-work hard para makasama kita.
Binigyan mo akong goal sa buhay.
Medyo mala-#AlDub
rin tayo eh.
Magkikita’t magsasama rin tayo sa tamang panahon.
Ang korni no?haha

May nagtanong sa akin kung posible bang mahulog sa taong 'di mo pa nakikita.
Kung sa kanal nga na 'di ko nakita habang naglalakad ako,
nahulog ako…
Sa’yo pa kaya?
Sa totoo lang,
hindi naman talaga ako mahilig magdasal dahil nakakalimot ako.
Pero simula nang makilala kita,
nagdadasal na ulit ako.
Natuto akong magpasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko.
Pero ayun,
our souls were just meant to stop by for a while,
not forever siguro?
Pero kung para sa akin ka, para sa akin ka.
Kung hindi,
ipipilit ko talaga, haha..
madi Apr 2018
Sa mga nagdaang araw.
Nagtataka ako,
Masaya naman ako, masigla
At higit sa lahat hindi ko ramdam na mag-isa ko

Pero bakit tila ito nanaman siya
Yung dilim kinukuha nanaman ako
Bumubulong sa tenga ko
Na "mag-isa ka nanaman"

Ito nanaman sila
Yung mga luhang bigla nalang tutulo
Kasi hindi mo na kaya
Kasi nararamdaman **** may humahadlang sa kasiyahan mo

Tama pa ba ito?
Sa tingin ko hindi na,
Wala nang nangyayari
Puro kamalasan nalang

Alam ko masyado na akong sobra,
Para hilingin na sana mamatay nalang ako
Na sana hanggang dito nalang ako
Pero hindi ko mapigilan kasi hindi ko na rin alam

Nagdadasal ako na sana
Sana lang naman maging maayos na lahat
Pero bumubulong nanaman sila
Na "Saktan mo ang sarili mo"

Hindi ko na alam
Hindi ko na alam kung saan lulugar
Nakakapagod,
Nakakalungkot.

Ayoko na maramdaman to
Sobrang bigat sa pakiramdam
Na parang laging may tumutusok
Sinasaksak na ako ng sarili ko patalikod

Wala na kong kasama
Mag-isa nalang ako
Sino bang kakapitan ko?
Kundi sarili ko.

— The End —