Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dec 2014
O, kadiliman na aking pinagmulan
Higit kitang sinasamba kaisa sa apoy na
bumabalot sa mundo,
sapagkat ang apoy ay
bumubuo ng isang malaking bola ng ilaw para sa lahat
at wala nang sinuman ang makakakilala sa iyo.

Ngunit ang kadiliman, pinagsasanib nito ang lahat:
mga hugis, mga apoy, mga hayop, ako,
o, kay husay nitong pagsamahin ang lahat!β€”
kapangyarihan at mga taoβ€”

at maaaring may matinding enerhiya na
papalapit na sa akin.

Sinasamba ko ang gabi.
Anna Bettina Esguerra
Written by
Anna Bettina Esguerra  Quezon City, Philippines
(Quezon City, Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems