Noon, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi makatulog sa hapon Ang mahuli ng magulang na tumatakas para makalabas at makipaglaro Ang matakot sa mga kwentong multo na gumagala tuwing alas tres ng madaling araw Ang manuod ng horror na pelikula at matulog na bukas ang bombilya pagkatapos Ang dumilat at sumilip sa ilalim nang kama
Noon, natatakot lang akong makakita ng pulang marka sa aking papel Ang hindi makasagot sa pagbigkas sa nakabusangot at nakakatakot kong titser Ang mahuling nakikipag daldalan sa katabi kong kaklase Ang hindi makauwi sa tamang oras na binigay ng magulang
Natatakot ako sa mga maraming bagay Ngunit nagiba narin ang mga bagay na kinakatakutan ko sa mga taong lumipas Mas lumaki na sila at mas naging matapang Mas naging matulis ang mga pangil at humaba ang mga binyas, ang buhok, ang kuko Mas bumilis, mas lumiksi Mas mahirap nang labanan
Hindi na pwedeng basta idaan sa pagtulog at pagtakas Hindi na basta basta napapatay ng liwanag na nanggagaling sa bukas na ilaw ang takot Hindi na rin nawawala ang takot sa pag balot sa buong katawan ang malambot na kumot Hindi na madadaan sa pagsiksik sa pader upang hindi mahila ang mga malamig na paa sa nagtatagong takot sa ilalim ng kama