Simula pa lang alam kong ako ay talo Tumuloy pa din dahil sa tigas ng ulo Sinunod ang puso at nagpadala sa agos HinayaangΒ Β malunod sa tamis ng sandali
Isang araw nagising ako sa aking mga luha Naalalang kahapon pala natapos ang lahat Mga paa natin ay humakbang sa magka-ibang direksyon Lumingon at tinanaw ang anino **** lumalakad palayo
Ang dulo ng iyong daan ay sa kanya patungo Sa simula pa lang ay sya na ang iyong dulo Ang tayo ay sandaling hintuan lamang Kung saan nagpalitan ng masasayang tawanan
Ang katotohanang hindi natin tinakasan, Walang dapat palayain dahil kahit kailan hindi ka naging akin At ngayon ito na ang ating realidad Hanggang dito na lang at hindi na pwedeng dugtungan.