Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2017
Isa pa, isa pa,
Isang beses pa,
Isa pa, hanggang ako'y makuntento na,
Isa pa, isa pa para sa aking ikaliligaya.

Isa pang tula na ikaw ang inspirasyon,
Isang tulang damdamin ko'y aking binaon,
Isang tulang pinuno ng kaligayahalt pagmamahal,
Isang tulang di kukupas, tulang tatagal.

Dahil lahat binubuhos ko nalang sa tula,
Bawat saknong, taludtod, kataga,
Lahat ng elemento iisa ang diwa,
Pinagkaisa ng pusong makata.

Kaya isa pa,
Isa pang tula na ikaw ang pinaghugutan,
Dahil kahit na di sayo umiikot ang mundo ko,
Ikaw parin ang gusto kong laman nito.
Taltoy
Written by
Taltoy  22/M/Philippines
(22/M/Philippines)   
  1.9k
     Isabelle and Nico Julleza
Please log in to view and add comments on poems