"tinapos" poems
Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang mga luhang nanlalamig
Luhang ikaw mismo ang nagdulot
Mga luhang ni minsa'y di inakalang manggagaling
sa pagmumukhang ito
Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat
Tinapos ko ang sakit na ikaw mismo ang nagdulot
Mahal, 'wag nang itanggi
Ikaw ang nagdulot nito.
Sa anim na bote ng alak, tinapos ko ang bawat sandaling kapiling ka
Sa mga sinehan na pinuntahan, sa mga kamang inilapag ang mga katawan, sa mga piling lugar o sa kahit saang sulok na ninais.
Sa anim na bote ng alak, tinapos kita.
Ang unang bote ng alak ay para sa iyong panlalamig
Totoo, nanlamig ka
Mas malamig pa sa boteng hawak-hawak
Sa bawat gabing kapiling ka, ang mga bisig mo lamang ang nagsisilbing unan
Oo mahal, nasa bisig mo ako, pero ang lamig na.
Ang pangalawang bote ng alak ay para sa'yong di pagpaparamdam
Nagdaan ang mga araw na nasanay akong wala ka
Nasanay akong mag isa sa bawat gabing ako'y may pangangailangan
Nasanay akong bigyan ng init ang sarili gamit ang mga kamay
Sinanay ko ang sarili
Pero higit sa lahat, sinanay mo ako
Ang pangatlong bote ng alak ay para sa iyong pagsisinungaling
Alam kong nagsinungaling ka na wala kang iba
Pag uwi mo sa akin, iba ang amoy, iba ang itsura
Kasi naman diba? Iba na ang nag-alaga
"I love you" sabi mo, pero sinungaling ka
Sinungaling
Ang pang-apat na bote ng alak ay para sa hindi mo pag-uwi sa akin
Mahal, ako ang iyong tahanan
Pero pinili mo ang lansangan
Ang pang-lima na bote ng alak ay para sa hindi mo pag alala
Pinili **** limutin ang ating mga sarili
Pinili **** maging bulag upang di ako makitang nasasaktan
Puta ka? Sana naging bulag ka na lang talaga
Ang pang-anim at panghuling bote ng alak ay para sa hindi mo pag-laban
Ipinaglaban kita
Ipinaglaban kita sa mga taong pilit tayong paghiwalayin
Ipinaglaban kita sa mga kaibigan ko
Ipinaglaban kita sa buong mundo
Pero please naman, ipaglaban mo rin ang sarili mo
Gawin mo para sa'yo
Sa anim na bote ng alak
Tinapos ko ang lahat at naitanong ang sarili
Sino nga ba ang nagpapasya kung minahal kita o hindi?
Ikaw ba? Sila?
Hindi ikaw! Hindi sila! Kundi ako!
Hindi sila ang magpapasya kung inibig kitang tunay
Dahil sa huli
Ako ang nagmahal, hindi sila
Ako ang nasaktan, hindi sila
Sa anim na bote ng alak
Tatapusin na kita at patuloy pa kitang tatapusin hanggang sa hindi maghilom ang sugat sa puso na pinili **** iwaksi.
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 2:08 AM UTC
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.
May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.
Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.
Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.
Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.
Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.
Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.
Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.
Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.
Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.
Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!
(6/28/14 @xirlleelang)
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 1:09 AM UTC
Hahawakan ang kamay mo
Papatunayan na kaya ko
Titimplahan pa rin ng paboritong kape
Sa maulan at malamig na gabi.
Hahawakan ang kamay
Magsisilbing gabay
Karerang malapit nang matapos,
Naalis na rin ang taling nakagapos.
Hanggang sa huli
Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos.
Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili.
Ngunit kumiliti ang mga salitang,
Hanggang sa muli.
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 1:06 PM UTC
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamat—
ang tipak sa dingding ng panahon
Na nabuo mula sa iisang hibla
Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalásan—
Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan
Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong
Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo
kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras
Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya
Ayaw magpalimot,
Ayaw magpaawat,
Ayaw magpatawad
Nasira ko yata ang pinaplano kong 𝘢𝘳𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 sa umpisa, mahal
Gaya ng wala naman talaga tayo sa 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰
Ng kahit kanino sa ating dalawa
Ngunit, heto na, nangyari na
At nagkasakitan na
Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso
At ngayon, gusto ko lang malaman:
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitaw—
Paparoon at paparito, hindi makadiretso
Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan
Masaya naman tayo... 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯
Masaya naman tayo minsan
Masaya naman tayo minsan
At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?
Masyado nang matagal
Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin
Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi
At ng puso **** ayaw magsisi
At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan,
Nag-aasam ng kaayusan
Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang
Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Bakit nga ba ako nahuhumaling sa'yo
Ano bang meron ang pagkatao mo.
Bakit nga ba hanggang ngayon nagagawa ko pang
Tawagan at i-text ka umaasang sasagutin mo nang
May ligaya sa puso.
Bakit nga ba kahit alam kong tinapos mo na
Ang ugnayan natin pilit ko pa din binubuo
Ang natitirang posibilidad sa aking isipan na
Pwede pa maging ikaw at ako sa huli.
Oct 24, 2015
Oct 24, 2015 at 8:48 PM UTC
GABI (Night)
Ayan nanaman si araw,
iniwan nanaman niya ako.
Tinapos nanaman niya
ang maghapon sa paglubog.
Tinanggal nanaman niya
ang liwanag sa paligid ko.
At iniwan nanaman niya akong
nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana,
minamasdan ang pagpasok ng dilim,
hinahanap ang buwan at mga bituin.
Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin
na “There is always light, even in the darkest times”.
Kasabay ng pagpasok ng dilim
ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko.
Hinahanap ko nanaman siya,
sa tuwing sasapit ang ganitong oras.
Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Kailan kaya kami ulit magkakasama?
Lumipas nanaman ang isang maghapon
na hindi ko nasilayan si Paulo.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin,
kasabay pa rin ang mga munting luha
na patuloy lang sa pagpatak habang
iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan,
habang ninanais ko na mahawakan
ang kanyang kamay sa sandaling iyun.
Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko,
ako lang pala mag-isa ang nandito, at
kathang isip ko lang ang lahat.
Napabuntong hininga ako ng napakalalim,
at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan
naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin.
“Ama, kung anuman po ang Inyong
ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod
at malugod ko pong tinatanggap.
Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat
ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan.
Ang dasal ko lang po ay Nawa sana
tulungan Ninyo kaming makita at malaman
ang dahilan ng lahat ng ito.
Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat
na pananampalataya upang kumapit pa,
huwag sumuko at hawak kamay na harapin
ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming
patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa,
at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan
sa kabila ng lahat. Amen. ”
At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata
sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit
sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 8:27 PM UTC
Paano kaya?
Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!
Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.
Paano kaya?
Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.
Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.
Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.
Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.
Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.
Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.
Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.
Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at kahit may taning na ang buhay.
MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 1:39 AM UTC
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan
Ng mga taong niluklok para paglingkuran
'Tong bayan nating lubog, at dugoan
Magkano? Sanlibong baryang dinumihan
Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos
Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos
Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya?
Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya?
Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi
Diyos-diyosang maitim ang budhi
Bata, matanda, babae, estudyante
Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali
Bayan kong minamahal, dito na lamang ba?
Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya
May dyaryo, at may nakapaskil na larawang
'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 8:20 AM UTC
Ang unang halik ay ninais maging wagas
Tulad ng pag-ibig sayong hindi pa rin kumupas
Sinabing mo saking walang pagtingin
Tinapos ang lahat at tinapon sa hangin
Ngunit, sinta, ano ito?
Isang halik ng impokrito?
Bakit idinampi ang mga labi
Gayong umalis ka na sa aking tabi?
Isa ba kong laruan sa'yong mga mata
Na magbibigay saya sayo kapag malungkot ka na?
Napakadaya mo naman, sinta.
Hindi mo ba naisip na ako'y nasasaktan na?
Sabihin mo sa akin, aking mahal.
Ano ba ang katotohanan dahil ako ay nakagapos at sakal
**Sa magkasalungat **** salita at gawa**
Na hinahagupit ako ng walang awa.
Nov 3, 2015
Nov 3, 2015 at 8:47 PM UTC
Wala pa mang nagsisimulang mangyari
sa'ting dalawa pero
bakit tila parang lahat ay tinapos mo na?
Jul 13, 2015
Jul 13, 2015 at 2:08 AM UTC
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin
Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin
Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan
Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat
Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako
Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako
Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo
Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:49 AM UTC
*Minsan nasabi ko nun sa sarili ko,na hindi na ako muling magsusulat pa.
Kasi pag ako humawak ng papel at lapis sa kalagitnaan ng gabi ibig sabihin na hindi ako masaya at nilalamon na ako ng lungkot hanggang awatin na ako ng araw sa umaga at sabihin na pumikit kana.
Pero sandali lang.
Hindi naman ako malungkot at hindi naman hating gabi ngayon. Maingay nga dito at heto ako gising na gising. Sumasabay sa ingay ng mundo.
Magsusulat ako para malaman mo kung ganu ka kahalaga. Yung kahit paulit ulit pa ok lang, kahit na di na tumugma ang mga letra at di ko makuha ang tamang talata.
itutuloy ko na to. Pano nga ba,na ang mga nasulat ko dati ay puro kabiguan at sakit sa damdamin ang tema,pano nga bang ako ay nilalamon ng gabi at awatin ng umaga.
Pano nga bang natapos ang mga araw na akala ko ay buwan na ang magiging araw.
Ou nga nagsimula ang lahat sa salitang di inakala.
Na ang pag ibig natin ay maihahalintulad sa mga eksena nang mga pelikula na hindi pa naipalabas sa sine o pelikula.
Nais ko lang malaman mo at ng mundo na umiikot sa mga masasakit at matatamis na salita kung ganu ka kahalaga.
Kung papaano mo tinapos ang mga gabi at araw na halos di ko na makilala ang aking sarili sa pagpapanggap para lang maging masaya.
Salamat sa pagpapadama ng tunay na kaligayan at halaga. salamat sa tunay na pamilya na iyong dala.
salamat sa mga simpleng bagay na lubos ko na kinasaya at salamat sa pagmamahal na walang katulad at dalisay simula pa nung umpisa.
May mga araw na ako din ay anlulungkot kahit pa tayo na,Hindi dahil may ginawa ka pero naqpapaisip lang talaga ako kung karapatdapat ba talaga ako sa isang katulad mo.
Pero salamat kasi ni minsan di mo pinadama na iba ka,kasi tayo nga naman ay iisa.
Nais ko lang din malaman mo kung ganu ako kasaya,na merong ikaw at ako at darating ang panahon ay ikaw ako at mga bata.
At nasasabik na din akong ikwento sa kanila kung panong ang ikaw ay umakyat sa pinakamatataas na kabundukan ng ating bansa.
Masaya ako na nagawa mo ang mga bagay na iyong pinangarap at aabutin naman nating dalawa ang ating pangarap na maging ISA.*
Oct 27, 2017
Oct 27, 2017 at 10:38 PM UTC
Pintuan palang malalaman mo na,
Na ito ang bahay ng mahirap na pamilya,
May nakasulat pa sa itaas na "Welcome to Miano Family" at " God bless our home".
Mga katagang matagal ng iniukit ng panahon,
Pag pasok mo ay sasalubong agad sayo,
Ang mga mga kagamitan na bigay,
Mga gamit na pinagsawaan na ng kapit bahay,
Mga Tv, relos, at orasan na di na umaandar,
Sa iyong unang hakbang iyong maaapakan,
Ang mga lumang tarpaulin na ginawang floormat,
Upang takpan ang madumi at maputik na sahig,
Lingon ka sa kanan,
At makikita mo ang gawa kong hagdanan,
Hagdan na mayroon lang tatlong apakan,
Ngunit di kelangan mabahala,
Pagkat gawa ko iyan, kaya dapat magtiwala,
Sa iyong pag akyat makikita agad,
Ang kahon na sa laki ay sagad,
Sariling gawang kahon para sa speaker at amplifier,
Di sapag mamayabang pero kalahating araw ko lang tinapos iyan,
Partida nga at wala pang kompletong kagamitan,
Mapapansin **** ganun din ang set up sa taas,
May mga tarpaulin nanaman paloob at palabas,
May mga pira pirasong damit na tinahi para magsilbing kurtina at pantakip,
Pantakip mula sa mga butas na ding ding,
Pag lipat sa kabilang kwarto at makikita mo,
Ang sahig na gawa nanaman sa kawayan,
Na ginawa upang maging daanan ng hangin sa mainit na panahon,
Walang masyadong kagamitan,
Pero masasabi mo talagang magulo,
Magulo at parang wala nang paglalagyan,
Ng mga damit at mga unan na pa kalat kalat,
Konting pagmamasid pa at iyong mapapansin,
Ang basag naming salamin,
Mga LED lights na di nagagamit pag sapit nh dilim,
Mga wires na napakagulo at gutay gutay,
Batterya ng motor na gamit ng ilaw pag gabi,
Pag napagod kana sa taas,
Bumaba ka ulit at makikita mo sa gilid ng hagdan,
Ang Mga gawa sa kahoy na upuan,
Tingin saglit sa taas at masdan,
Pinag tagpi tagping yero na bubungan,
Mga bubong na maaliwalas kapag tag.araw,
Pag tag ulan naman ay nagmumukhang talon sa buhos ng tubig,
Sa kusina naman tayo ay magpunta,
Bubungad agad ang mga basag na baso,
At mga plato't kutsarang di kumpleto,
Naubos narin cguro ng tatay kong lasinggero,
Sa hugasan makikita mo naman,
Ang gawa sa kahoy na hugasan,
Mg lalagyan ng plato at basong may sabitan,
Isang hakbang pa at welcome to our lutuan,
Lutuan na gaw asa lupa nq ipinatong sa yero kahoy at kawayan,
Mga maiitim na na kawa at kaldero na laman,
At syempre mga kahoy rin na panggatong na nakalagay naman s abandang ilalim ng lutuan,
Tuwing kakain kailangan mag kanya²,
Pagkat pag nag sabay ay tiyak na di kasya,
Pagkat plato't kutsara'y kulang na,
Pero ganun paman kami ay masaya.
Simpleng bahay, simpleng buhay, simpleng pamumuhay 😊
Nov 8, 2020
Nov 8, 2020 at 2:25 AM UTC
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.
Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos
Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.
Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:58 PM UTC
Makulimlim ang kalangitan
habang pilit kong inaaninag
kung ikaw ay nasaan
Mga palad natin kapatid
kung hindi man nagkadaupan
Tukoy kong iisa
ang ating pinagmulan
Mapula, kulay-dugo,
ang agaw-buhay na liwanag
sa likod ng mga ulap
Alam kong lumubog na
ang araw sa kanluran
Hinihintay ng katuwang sa buhay
ngunit ang sagot mo sa mga panaghoy
ay hindi marinig ng naulilang pandinig.
Hinahanap ng mga magulang
ang anak na inaasahang
sa takdang panahon
sa kanila’y maghahatid sa himlayan.
Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Liku-likong landas tungo sa mithiin
ng Sambayanang hindi palaring
pamunuan ng mga bayaning magigiting
sa halip na mga kawatan at mga salarin
Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Ngunit hindi ka natakot na ito’y tahakin
Hindi ka umurong at di mo pinansin
ang mga pasakit, ang mga pasanin.
Dakila ka, kapatid
At ang ‘yong paglisan, may hatid mang lungkot
na ang punglong malupit, takbo mo’y tinapos,
hininga mo’y nalagot
At sa huling bugso,
tatabunan ng lupang kalayaan ang dulot
mula doo’y sisibol, sanlibong punlang aabot
hanggang sa dulo, hanggang sa tugatog
Aalalahanin ka sa araw ng tagumpay at pagtutuos
Para sa Sambayanan, bawat puso’y sasabog!
Sep 27, 2017
Sep 27, 2017 at 1:15 PM UTC
Sisimulan ko ito
Sa kung paano ko tinapos ang lahat
Sisimulan ko ito
Sa kung paano nawasak
Ang isang inakala kong buo, ngunit basag
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:30 PM UTC
Ninais man na ipaglaban ang ating pagmamahalan
Kumapit sa pangakong ating binitawan
Na kailanman ay hindi mag-iiwanan
Hindi na magagawa dahil ikaw na mismo ang umayaw;
Iyong nasilayan ang dulo na aking sinikap na ‘di mo matanaw
Ginawa ko naman ang lahat ngunit hindi pa rin sapat.
Umibig naman ng tapat ngunit mas piniling bigyang lamat
Ang pagsasamang maayos ngunit ito’y tuluyan **** tinapos
Tayo’y hindi na nakasabay sa agos at hinayaan na lang malunod
Ngayon, aking ibubuod at ilalahad sa ilang taludtod:
Ang nobela ng ikaw at ako--
Nangako ang bawat isa sa isa’t isa na tayong dalawa hanggang dulo
Ngunit lahat ng mga plano’y naglaho dahil heto na tayo sa huling pahina ng ating kwento
Oct 20, 2019
Oct 20, 2019 at 8:01 AM UTC
Kwentuhan mo naman ako.
Kahit na saglit lang, kahit ilang minuto lang. Pag usapan naman natin ang pag ibig nating tila'y tinapos mo agad ng hindi pa natin nasisimulan. Pag ibig na hindi mo binigyan ng pagkakataong mag simula. Ang pag ibig na pilit kong binubuo ngunit pilit **** winawasak.
Ikuwento mo kung paano ka niya ipinagtulakan at
Ikukwento ko kung paano kita hinabol
Ikuwento mo kung paano mo siya binalikan at
Ikukwento ko kung paano kita hinintay
Ikuwento mo kung gaano mo siya kamahal at ikukwento ko kung paano ako nag pakatanga. Ikuwento mo saakin kung bakit siya pa rin ang pinili mo kahit na ako naman 'tong nandito. Ikuwento mo saakin lahat kung ano ang dahilan kung bakit ako nasasaktan para naman makuwento ko na kung paano kita bibitawan.
Sa huling sandali, ikuwento mo saakin kung gaano ka kasaya at sasabihin ko sa'yo ang katagang "ayoko na".
At ikukwento ko dito kung paano ako nagpapakatanga sa pag ibig na alam kong hindi naman mahalaga.
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:05 PM UTC
Ngayong lumipas na ang temang nakasanayan
Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan
Pikit man ang mata, alaala naman ay pabulong
Hikahos sa hanging hindi naman tunay na yumao
Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina't
Imahe ng kapayapaan sa kabilang daungan
Lingid sa ibabaw ng katinuan na ang bangka
Lumutang man ay di masasakyang tuluyan
Bigkas ay mga hikbi sa bawat pagsulong
Hanggat ang biyak ay hindi tuluyang magtagpo
Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan
Paglubog ng liwanag ay syang di maiiwasan
Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina,
Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan
Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan
Pagkalunod sa sariling luha'y syang di iiwasan
Nov 21, 2020
Nov 21, 2020 at 3:43 AM UTC