Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ngayong lumipas na ang temang nakasanayan Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan Pikit man ang mata, alaala naman ay pabulong Hikahos sa hanging hindi naman tunay na yumao Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina't Imahe ng kapayapaan sa kabilang daungan Lingid sa ibabaw ng katinuan na ang bangka Lumutang man ay di masasakyang tuluyan Bigkas ay mga hikbi sa bawat pagsulong Hanggat ang biyak ay hindi tuluyang magtagpo Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan Paglubog ng liwanag ay syang di maiiwasan Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina, Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan Pagkalunod sa sariling luha'y syang di iiwasan
0
Nov 21, 2020
Nov 21, 2020 at 3:43 AM UTC
Sa Kabilang Daungan

kentdlr13
Written by
Nov 21, 2020
Nov 21, 2020 at 3:43 AM UTC
Request permission to use this poem