Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamat— ang tipak sa dingding ng panahon Na nabuo mula sa iisang hibla Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalásan— Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya Ayaw magpalimot, Ayaw magpaawat, Ayaw magpatawad Nasira ko yata ang pinaplano kong 𝘢𝘳𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 sa umpisa, mahal Gaya ng wala naman talaga tayo sa 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 Ng kahit kanino sa ating dalawa Ngunit, heto na, nangyari na At nagkasakitan na Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso At ngayon, gusto ko lang malaman: Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitaw— Paparoon at paparito, hindi makadiretso Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan Masaya naman tayo... 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 Masaya naman tayo minsan Masaya naman tayo minsan At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Masyado nang matagal Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi At ng puso **** ayaw magsisi At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan, Nag-aasam ng kaayusan Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
0
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?

mamatay tayong lahat sa kakornihan. i wrote this on a whim; i'm so sawry. . . . . . . anyhow, sana makahanap tayo ng pagmamahal na sigurado, marunong magtimpi, marunong magpatawad, at higit sa lahat, marunong bumitaw kapag hindi na talaga kaya. because letting go is still an act of love. or, something. i don't know.
derailed-trains
Written by
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Request permission to use this poem