Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
dalampasigan08 Jun 2015
Maraming beses nang ako'y naging alipin
ng damdaming masidhi't napakahirap supilin;
Mga aliw ng sandaling tila salamisim,
mga sugat ng kahapong wari'y basag na salamin.
Kahit anong gawi'y hindi siya maikubli,
'pag yumakap sa puso'y parang nakatali;
Pumiglas-piglas ka ma'y wala ring magagawa,
Pagka't puso'y gapos na sa pag-ibig na dala.
Ang taglay na karikta'y sadyang mapang-akit,
Ikaw ma'y nakapikit larawan niya'y nakaukit;
At mistula iisa ang 'yong mundo't sinisinta,
Kaya't bulag sa biyaya 'pag nawala na siya.
Oh, linlang na pag-ibig bakit ba mandaraya?
Ang mahina kong puso'y hindi na pinalaya;
Sa ligaw **** pangako ng pag-ibig na totoo,
Kaylan ba matatanto ang wagas na pagsuyo?
01-25-11
1:08 PM
Vincent Liberato Mar 2018
O ginintuang lupa!
'Di mawawaldas ang puri mo,
Sapagka't ang pag-ibig ay sa iyo
Mananatiling tapat sa puso ko

Ipaglalaban ang kasarinlan mo
Tapusin ang digmaan na ito,
Sapagka't walang dulot ito,
Kundi yaring kamatayan sa lupa mo

Huwag agawin ang kasarinlan sa mga kamay mo
Dapat lalo lamang pagtibayin ito
Supilin ang kahit sinong aagaw nito,
Sapagka't 'di ko ipawawaldas ang puri mo.

— The End —